Thursday, February 4, 2016

"Elemento" by Infanta National High School G10 SPA Music Students


"ELEMENTO"
Lyrics: Cielo Ericka Paola Aumentado
Music: S. Alparce & M. Villaruel

Performers (INHS G10 SPA music students) 
Beat box and vocals: Rose Gail Conchada
Guitar: Ronadel Guray
Keyboard: Christine Nakar
Shaker, Rainmaker & Vocals: Lanie Suavardez
Bonggos & vocals: Hennessy Pujalte

Arranged by NFOT 2016 Likhawitan team


Lyrics:

Intro
Kinabukasan ba'y matutupok lang sa'yo?
Susunugin mo lang ba hanggang maging abo?
Bakit 'di maging liwanag ng ibang tao?
Kabataan, ikaw ba'y apoy na tanglaw sa bayan mo?

Verse 1
Pag-asa ba'y lulunurin mo lang ganon?
Raragasa sabay pag-hampas ng alon
Palutangin mga nababaon.
Kabataan, ba'y tubig na agos sa ating panahon

Chorus 
Pangarap mo ay iyong paliparin
Wag mong hayaang ito'y tangayin
Puno ng pangarap ay 'yong pasayawin
Kabataan ba'y kaaya-ayang simoy ng hangin?

Verse 2
Alaala ng kahapo'y ibabaon ba?
Tatabunan mo hanggang makalimutan na?
Payabungin ang bagong punla 
Tuklasin ang iyong hiwag
Kabataan ka bang silbi'y matabang lupa?

Chorus 
Pangarap mo ay iyong paliparin
Wag mong hayaang ito'y tangayin
Puno ng pangarap ay 'yong pasayawin
Kabataan ba'y kaaya-ayang simoy ng hangin?

Bridge
Hindi mo ba alam ang yong patutunguhan?
Mananatili ka na lang bang laging ganyan 
Kumilos na tayo't ating patunayan kabataan tayong pag-asa ng bayan

Chorus
Pangarap mo ay iyong paliparin
Wag mong hayaang ito'y tangayin 
Puno ng pangarap ay 'yong pasayawin
Kabataan ika'y kaaya-ayang simoy ng hangin
Kinabukasan sa ating kamay ay ating buhayin

No comments:

Post a Comment